Pinagtibay ng Colegio de San Gabriel Arcangel (CDSGA) ang pagpapahalaga nito sa pandaigdigang ugnayan at pag-unawa sa kultura matapos dumalo ang mga opisyal nito sa isang solemneng seremonyang Budista bilang paggunita kay Her Majesty Queen Sirikit, The Queen Mother of Thailand, noong Setyembre 11 sa Thailand.
Bilang mga panauhing inimbitahan sa seremonya, nakibahagi ang mga opisyal ng institusyon kasama ang mga kinatawan mula sa pamahalaan at akademya, mga pinuno ng institusyon, at iba pang kilalang panauhin.
Higit pa sa pakikiisa sa seremonya ng pagluluksa, nagsilbi rin itong pagkakataon upang higit na maunawaan ang mayamang kulturang Thai, partikular ang mga tradisyong Budista at kaugaliang sinusunod sa pagpanaw ng mga miyembro ng Royal Family.
Ipinakita rin ng pagdalo ang patuloy na pagpapahalaga ng CDSGA sa ugnayan nito sa mga Thai partner institutions, kasabay ng pagsusulong ng cultural understanding at international cooperation.
Sa pamamagitan ng naturang pakikilahok, patuloy na pinalalawak ng CDSGA ang mga makabuluhang akademiko at institusyonal na ugnayan nito sa Thailand, na nagsisilbing daan para sa mas matibay na kooperasyon at pagpapalitan ng kultura sa pagitan ng mga institusyon.
3 comments
Sign in or create a reader account to comment.